Connect with us

Aklan News

Akala’y tulong, yun pala’y scam: ₱25k na pera sa gcash account ng aklanon dancer, nalimas

Published

on

NALIMAS ang ₱25K na laman ng GCash account na pamasahe at panggastos sana ng isang Aklanon Dancer na miyembro ng Choreo’N Cream, at isa sa mga kakatawan ng bansa sa World Supremacy Battlegrounds.

‎Ayon kay JP Elizalde, ang Choreographer at Founding director ng Choreo’N Cream, nitong umaga ng Martes lang niya napansing ₱900 nalang ang laman ng kanyang GCash account.

Ayon rito, may tumawag sa kaniya at nagpakilalang tutulong sa kanilang grupo.

‎Una’y hiningan umano ito ng ilang detalye tulad ng number at kung saan ito umuuwi, saka siya inatasang pumunta sa Borrow at GLoan ng nasabing e-wallet.

‎Pagkalipas ng ilang sandali, sunod-sunod na ang naging notifications na nagpadala ito ng pera sa pamamagitan ng GCash.

‎Ayon pa sa kanya, may dalawa pang tumawag na umano’y Bisaya ang salita kung saaan kapareho rin nito ang sinasabi kaya’t natunugan naman nito.

‎Napag-alaman na ang perang nalimas ay gagamitin sana nito para sa visa, registration, at pamasahe para sa World Supremacy Battlegrounds na gaganapin sa Dubai ngayong taon. l Ulat ni Arvin Rompe