Aklan News
AKUSADO SA KASONG ATTEMPTED HOMICIDE, ARESTADO
Boracay – Arestado ang isang lalaking akusado sa kasong attempted homicide dakong 4:45 ng hapon kahapon sa Brgy. Sto. Domingo, Quezon City.
Nakilala ang akusadong si Darwin Abundo, nasa legal na edad, at residente ng nasabing lugar.
Naaresto ng Malay PNP at Quezon City MPs sa bisa ng warrant of arrest na may criminal case no. 15129 sa kasong Attempted Homicide na ipinalabas ni Hon. Ronald H. Exmundo, Presiding Judge ng RTC 6th Judicial Region Branch 4, Kalibo, Aklan noong ika-16 ng Abril, 2021.
Php 72,000 naman ang inirekomendang piyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Sa ngayon ay nasa kustodiya ng Malay PNP ang nasabing akusado at nakatakdang i-turn over sa nasabing korte.
Continue Reading