Connect with us

Aklan News

AKELCO GM: “Mga kable ng kuryente sa Aklan, luma na”

Published

on

INIHAYAG ni Aklan Electric Cooperative,Inc (AKELCO) Acting General Manager Atty. Ariel Gepty na may edad na o luma na ang mga kable ng kuryente sa lalawigan ng Aklan.

Aniya, ito ang isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga biglaang power interruptions.

Dagdag pa ni Gepty, maliban sa luma ay ilang bagyo na ang dumaan dito.

“Ro aton nga mga linya it kuryente una sa Kalibo ag sa iba nga lugar hay medyo nagakaroon it power interruptions por dahil ro aton nga mga linya hay indi man naton mabalibaran nga may edad eon don ag haagyan pa it mga bagyo,” ani Gepty.

“Aton malang abi nga pagka-ayad kato after it typhoon kato hay maibalik eang ro power ag owa habalikan it aton nga mga engineer para kaayron gid sa sakto. Halilipatan eot-a na,” dagdag pa nito.

Dahil dito, prayoridad ngayon ng AKELCO na mailagay sa tama ang pagkakabit ng mga linya ng kuryente.

Saad pa ni Atty. Gepty, naglilibot na sa ngayon ang mga cadet engineers ng Akelco kasama ang kanilang mga area engineers upang matuguan ang naturang mga problema.

Ipinaliwanag din ng General Manager na maliban sa mga lumang kable ng kuryente, nagiging dahilan din ng power interruptions ang kidlat, mga puno na malapit sa linya ng kuryente at kung minsan ay dahil sa animal intrusion.