Connect with us

Aklan News

AKELCO LEZO COMPOUND, ISINAILALIM SA LOCKDOWN MATAPOS MAMATAY ANG ISANG EMPLEYADONG COVID POSITIVE

Published

on

Kasalukuyang naka-lockdown ang Aklan Electric Cooperative (AKELCO) Lezo Compound dahil sa isang empleyadong namatay sa COVID-19 nitong Miyerkoles.

Kinumpirma mismo ito ni AKELCO General Manager Alexis Regalado sa panayam ng Radyo Todo, ang nasabing empleyado ay kabilang umano sa opisina ng engineering department.

Bago paman lumabas ang resulta ng swab test sa nasabing empleyado ay nakapagsagawa na sila ng disinfection at nag-utos ng isolation sa mga kaopisina na close contacts nito.

Mayroon umano itong 34 high risk contacts na nakasalamuha na isasailalim din sa swab test na required ng Provincial Health Office (PHO).

Bagama’t naka-quarantine ang ilang empleyado, nilinaw ni Regalado na hindi nito maaapektuhan ang serbisyo ng AKELCO.

Siniguro rin ni Regalado sa publiko na walang nakasalamuhang member-consumer ang nasabing empleyado dahil nasa engineering department ito at naka sick leave na bago paman bawian ng buhay.

Nagsimula ang lockdown kahapon, February 25 hanggang February 28, maaaring humaba pa ito depende sa magiging resulta ng swab test ng mga naitalang high risk contacts.