Aklan News
AKELCO magtataas ng singil sa kuryente ngayong Setyembre
Magtataas ng singil sa kuryente ang Aklan Electric Cooperative (AKELCO) ngayong buwan ng Setyembre dahil sa pagtaas ng generation charge.
Ayon sa AKELCO, ang dagdag singil sa power rate ay mas mataas ng P1.5502/kwh kumpara sa nakaraang buwan.
Sa inilabas nilang opisyal na pahayag, nakasaad na magtataas ang power rate ng P15.1166/kwh para sa mga residential consumers na may buwanang electric consumption na 21kwh-up.
Umaabot naman sa ₱14.1757/kwh ang power rate sa mga consumers na low voltage lang ang electricity consumption at P12.5797 /kwh ang sa may high voltage power rate.
Ang overall rate increase ay dulot umano ng mas mataas na generation charge mula sa mga generation companies na Greencore Geothermal Inc. (GCGI), Panay Energy Dev’t Corp. (PEDC), Panay Power Corp. (PPC), Palm Concepcion Power Corp. (PCPC) at Wholesale Electricity Spot Market (WESM).
Ito ay isa sa mga epekto ng pagtaas ng krudo dahil sa Russian-Ukraine War.