Connect with us

Aklan News

AKELCO: Patuloy pang tataas ang power rates

Published

on

PHOTO: Aklan Information and Media Affairs Division, AKELCO on Facebook

Asahan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng kuryente ng Aklan Electric Cooperative (AKELCO).

Ayon kay AKELCO General Manager Atty. Ariel Gepty, asahan pang mas tataas ang singil sa kuryente sa mga susunod na buwan dahil sa mga malakihang paggalaw sa presyo ng coal at produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.

Ipinaliwanag ni Gepty na ang AKELCO ay may mga kontrata sa power generators na gumagamit ng coal at diesel kung saan nagsitaasan ang presyo na ipapasa sa mga konsumidor.

“Ngani kung maghueag ro presyo ko coal, kung siin ruyon ro ginagamit nga gatong it aton nga generators, ag ro generators man ngaron hay dollar man ro ginagamit sa pagbakae it coal, so ngani may una nga chain reaction ro paghueag it presyo,” lahad niya.

Simula Enero nitong taon, lalong tumaas ang presyo ng coal kaya unti-unti na ring tumaas ang generation cost na pinalala pa ng giyera sa Ukraine at Russia.

Naglalaro na ngayon sa $400 per metric ton ang presyo ng coal  sa pandaigdigang pamilihan na dati ay umaabot lamang sa $100.

Dati ang blended generation cost ay nasa 5 hanggang 7 pesos per kilowatt hour lang pero sa ngayon ay umaabot na ito sa 8-10 pesos per kwh.

Nilinaw din nito na walang pagtaas ng rate na nangyayari sa distribution system and metering charges ng AKELCO na P1.61 per kwh at ito lang ang napupunta sa kanila para sa kanilang operation expenses.

Ang pinakahuling power rate ng AKELCO sa residential consumers ay P13.56 per kwh. (MAS)