Connect with us

Aklan News

AKELCO, patuloy sa pagrefund ng mga energy bill deposit sa kanilang mga member-consumer

Published

on

INIHAYAG ni Aklan Electric Cooperative (AKELCO) General Manager Atty. Ariel Gepty na nagpapatuloy ang kanilang pag-refund ng mga energy deposits sa mga kwalipikadong member-consumer ng kooperatiba.

Aniya, marami ang may gustong magkaroon ng refund subalit marami rin ang nade-decline dahil hindi sumusunod sa mga kondisyon na itinakda sa Magna Carta for Residential Electricity Consumers.

“Iya sa aton nga AKELCO hay abo man ro naga-ayo, magpangayo man it energy deposit refund ugaling abo nga nadi-decline or nababalibaran dahil owa sanda magsunod sa mga kondisyones nga gintaeana sa aton nga Magna Carta for Residential Electricity Consumers ag imaw man sa ERC regulation sa mga commercial,” ani Atty. Gepty.

Ipinaliwanag ni Gepty na makakatanggap lamang ng refund ang mga member-consumer kapag hindi sila pumalya sa pagbayad ng kanilang buwanang electric bill.

Saad pa nito, dapat wala din aniyang delay at dapat nasa tamang oras sa loob ng tatlong taon.

Ito ay batay sa Magna Carta for Residential Electricity Consumers ayon kay Gepty.

“Number 1 karon nga kondisyon nga gintaeana sa Magna Carta hay dapat ro aton nga member-consumer hay owa nagpalta sa pagbayad it ana nga bueanang kuryente bago imaw maka-apply or maka-request it refund ku anang energy deposit ag dapat hay owa imaw na-delay, gabayad imaw sa eksakto nga oras sa sueod it tatlong dag-on nga sigidas nga makaruyon ro anang gina-ubra,” pahayag ni Gepty.

“Kung mahino na ruyon nga mga kondisyones hay imaw hay entitled magpangayo it refund iya sa Akelco kung siin imaw nag-apply ag isumite nana ro anang nga nagakaigo nga resibo nga patunay nga imaw hay may una nga ginatawag naton nga energy deposit iya kamon. agod sa paghuyap man…suma may interest don nga kaibahan nga ibalik kanda nga nagakaigo,” pagtutuloy pa nito.

Binigyan-diin ni Atty. Gepty na ang bill deposit ay isang garantiya para sa member-consumer ng Akelco na magbabayad sila ng kanilang electric bill sa tamang oras.

Kung kaya’t bago sila mag-apply ng kanilang kuryente ay kailangan muna nilang magbigay ng deposito.

“Raya abi nga bill deposit hay isaeang ka garantiya para sa aton nga member-consumer nga gabayad sanda it andang electric bill sa eksakto nga oras. So ngani bago sanda kabitan or sa pag-apply it andang kuryente, gatao anay sanda dayon it deposito.”