Connect with us

Aklan News

AKELCO SA MGA MIYEMBRO: “MAGKURYENTIPID” PARA MAIWASAN ANG MAHAL NA BAYARIN SA KURYENTE

Published

on

File Photo

Umapela si Aklan Electric Cooperative (AKELCO) General Manager Atty. Ariel Gepty sa mga miyembro nito na magtipid sa pagkunsumo ng kuryente para maiwasan na maramdaman ang pagtaas ng presyo nito.

Sa panayam ng Radyo Todo sinabi ni Gepty na tumaas ang singil sa kuryente ngayong buwan ng Pebrero kasabay ng pagtaas din ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Paliwanag pa ng AKELCO GM, nag-umpisa ito sa pag ban ng Indonesia sa exportation ng coal sa mga karatig bansa nitong Disyembre 2021.

Tinanggal ng Indonesia nitong Enero ang ban pero tumaas naman sa $250 USD per metric ton ang presyo nito, na mahigit kalahati sa dating presyo nitong $100 USD lang kada tonelada.

Dahil kontrolado ng Indonesia ang pagpapalabas ng coal, kumonti ang supply nito at tumaas ang demand at presyo.

Aniya, dalawang power generator ng AKELCO ang gumagamit ng coal kaya lubusang naapektuhan ang presyo ng kuryente.

Sa kasalukuyan, sumipa na sa $400 USD per metric ton ang halaga ng kada tonelada ng coal kaya isahan na aniya ang bagong price adjustment sa kuryente.

Kaya naman nanawagan si Gepty sa mga miyembro ng AKELCO na magtipid ng kuryente para hindi nila masyadong maramdaman ang pagmahal ng presyo nito lalo na ngayong summer season.