Aklan News
AKELCO, TARGET NA MAIBALIK ANG POWER SUPPLY SA PEBRERO
Target ng AKELCO na maibalik ang suplay ng kuryente sa probinsya ng Aklan at ilang bayan ng Antique sa February 9.
Ayon kay AKELCO Assistant General Manager Engr. Joel Martinez, nagbigay ng deadline ang National Electrification Administration (NEA) na dapat mailawan na ang mga barangay pagdating ng Pebrero.
Sinabi ni Martinez na patuloy ang kanilang pag-aayos ng mga nasirang transmission lines at pagtatayo ng mga bagong posteng pinadapa ng bagyo.
Dagdag pa nito, ang mga bayan ng Libertad, Buruangga at New Washington ang hindi pa talaga mailawan dahil ito ang mga lugar na ‘hardly hit’ ng bagyo.
Nilinaw rin ni Martines na walang babayaran ang mga miyembro at kunsumedor sa mga nasirang materyales na kailangan palitan gaya ng mga basag na kuntador.
Taos puso rin ang pasasalamat ni Martinez sa Task Force Kapatid mula sa iba’t-ibang kooperatiba sa bansa at mga opisyal ng barangay na tumulong sa pagsagawa ng road clearing at pagtatayo ng poste.