Aklan News
AKLAN 2ND DIST. CONG HARESCO, HINILING ANG FLIGHT BAN LABAN SA MGA OPISYALES NG PHILHEALTH NA DAMAY SA KORAPSYON
Hihilingin ng kongreso sa Department of Justice na mapigilan ang ilang opisyales ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na lumabas ng bansa habang iniimbestigahan nila ang umano’y “mafia-like” corruption na nangyari sa loob ng ahensya.
Iniimbestigahan sa ngayon ang Philhealth sa umano’y mahigit P1 billion na binayad sa mga ospital na may nakabinbin pang fraud cases.
Halos masaid din ang pundo ng Philhealth dahil sa mahigit P15 billion na fake pneumonia claims.
Sa joint hearing ng House Committees on public accounts and good government and public accountability, inaprobahan nila ang motion to seek “guidance” sa DOJ para sa posibleng pag-isyu ng hold departure order laban sa Philhealth officials na kasama sa korapsyon.
Ang nasabing mosyon ay hiniling ni Aklan 2nd Dist. Cong. Teodorico Haresco, Jr., na ayon umano sa kanyang panaginip, nagsi-alisan ang mga Philhealth officials palabas ng bansa para iwasan ang kamay ng batas.
“Yes Mr. Chairman hold departure order kasi Mr. Chairman pagdating ng Power Rangers sa panaginip kl nagtakbuhan. Nagtakbuhan sa ospital at nagtakbuhan kung saan-saan. ‘Yung iba nag-resign pa sa mafia. Ewan ko kung naano sa sitwasyon na ito baka magtakabuhan na rin sa abroad ‘yang mga ‘yan,” ayon kay Haresco.
Ilan sa mga makakasama sa possible fligjt ban ay ang mga top executives ng PhilHealth sa main office ganon din saga regional units.
Kikilalanin pa ng house panels ang naturang mga opisyales.
Magkasabay na nag-iimbestiga ang House of Representatives, Senate at Inter-agency task force na binuo ni Pangulong Duterte sa diumano’y iregularidad sa PhilHealth, kalakip na ang overpayments s mga ospital at overpricing sa procurement.