Aklan News
AKLAN GOV MIRAFLORES, NAKA “WORK FROM HOME”
Kalibo, Aklan – SA BAHAY na lang lang muna nagtatrabaho si Aklan Governor Florencio Miraflores para hindi mahawaan ng Corona Virus Disease 19.
Ayon kay Provincial Health officer Dr. Cornelio Cuachon Jr., nag umpisa manatili sa bahay nya sa Ibajay si Governor Miraflores noong nakaraang lunes matapos syang nagsagawa ng press conference.
Wala naman diumanong sintoma ng virus na nararanasan ang gobernador at gusto lang nitong magsagawa ang “precaution”.
Ayon naman kay Assistant Provincial Administrator Gerick Templonuevo na gustong maging ehemplo ng Gobernador na pwedeng makapagtrabaho kung nasa bahay lang at dapat manatili lang sa bahay ang senior citizens na kagaya nya.
Dinadala lang diumano nila sa Ibajay ang mga dokumento na dapat pirmahan ng gobernador at iniuutos sa kanila sa opisina ang ibang mga dapat gawin.
Noong nakaraang huwebes ay online na lang ang ginawang pakikipagpulong ni Governador Miraflores sa mga private hospitals at clinics sa provincial capitol.
Hindi na rin ito nagpakita sa press conference kahapon ng Covid Task Force sa kapitolyo kung saan si Dr. Cuachon na lang ang humarap sa mga myembro ng media.