Connect with us

Aklan News

AKLAN GRAINS CENTER, BUBUKSAN NA SA LINGGO

Published

on

Image: Aklan Sangguniang Panlalawigan

Nakatakda nang buksan sa linggo ang Aklan Grains Center na matatagpuan sa Barangay Nalook sa bayan ng Kalibo.

Ayon kay Engr. Alexys Apolonio, OIC Provincial Agriculturist, layon ng pagbubukas ng bagong Aklan Grains Center na maibsan ang problema ng mga magsasaka sa buong lalawigan sa pamamagitan ng pagbili ng kanilang mga na aning palay.

Dagdag pa ni Apolonio, na may mga tauhan na sila na pupunta sa mga kabayanan para mamili ng palay sa oras ng ani.

Aniya, bibilhin nila sa halagang 18 pesos ang bawat kilo ng dried palay at 14 pesos naman ang bawat kilo ng hindi pa tuyong palay o tinatawag na labtong.

Bukod dito, tumatanggap din sila ng paggiling at ang babayaran sa bawat kilo ng bigas ay 2 pesos lamang at piso sa kada kilo sa bawat bilad ng palay.