Aklan News
AKLAN, HINDI NA MAGRE-REQUEST SA PAG LIFT NG MORATORIUM SA BYAHE NG MGA AKLANON LSIs
Tatapusin na lang ng Aklan provincial government ang moratorium sa byahe ng mga uuwing mga locally stranded individuals hanggang Setyembre 30.
Ayon kay Aklan Prov’l Administrator Atty. Selwyn Ibarreta, nakipag meeting si Gov. Miraflores sa mga mayors at napag-desisyunan na hindi na magpadala ang probinsya ng written manifestation sa Inter-Agency Task Force para sa pagtanggap ng LSIs.
Ito ay dahil puno na umano ang karamihan sa mga quarantine facilities at dumami ang kaso ng COVID-19 sa Aklan.
Ayon pa kay Atty. Ibarreta, na aalagaan na lang muna ang mga nagpositibo para mabilis na gumaling at mabawasan ang occupants sa mga quarantine facilities.
Kinumpirma ni Ibarreta na kalakip sa mga na infect sa Aklan ay mga medical technologists sa COVID-19 lab ng probinsya dahilan ng pagsuspende sa operasyon ng laboratory.
Niliwanag ni Atty. Ibarreta na papayagan ng Aklan na makadaan ang mga LSIs na uuwi sa Antique, Iloilo at Guimaras pero dapat may koordinasyon ang LSIs sa receiving LGU at susunduin sa pyer.