Connect with us

Aklan News

AKLAN, HINDI PA HANDA PARA SA BULTOHANG PAG UWI NG MGA AKLANON GALING SA IBAT IBANG PROBINSYA

Published

on

Aminado si Gov. Florencio Miraflores na Hindi Pa handa ang probinsya na tanggapin ang mga magsisiuwiang mga Aklanon galing sa iba’t-ibang probinsya.

Ayon kay Gov. Miraflores kahit nasa general community quarantine ngayon ang Aklan sisiguraduhin nilang bago ito buksan sa general public ay dapat preparado ang probinsya sa mga quarantine at testing facility.

Halimbawa umanong may mag positive sa coronavirus sa mga uuwing Aklanon mas madaling malaman ang kanilang sitwasyon.

Ayon Pa sa gobernador, sinabihan na niya ang mga LGUs na umpisahan ng maghanap ng kani-kanilang community quarantine areas base na rin sa DILG circular dahil Hindi na umano kaya ng probinsya na balikatin ito lahat.

Dagdag Pa ni Miraflores na para halimbawa mang dumagsa pauwi ang mga Aklanon mula sa iba’t ibang probinsya ay agad silang dadalhin sa kani-kanilang bayan at idederetso sa kanilang quarantine facility.

Samantala, sa usapin naman hinggil sa repatriation ng mga OFWs, sinabi ng gobernador na nagpadala siya ng sulat sa national IATF para I suggest na bago pauwiin ang mga repatriated OFWs Hindi lamang sa rapid test isailalim kundi sa RT-PCR para malaman agad ang estado ng isang OFW.

Ito ay kasunod ng mag positibo ang 9 sa mga OFWs sa Iloilo sa Kabila ng pagpasailalim sa kanila sa 14-day quarantine at rapid test.

Pero ipinipilit umano ng IATF na pauwiin na ang mga OFWs matapos i-quarantine.

Sa ngayon inaantay na Lang umano ang resulta ng swab specimen test ng 37 OFWs na dumating sa probinsya noong myerkules.

Sa kabilang banda, mahigpit Pa ring ipinagbabawal ng provincial task force ang mga aktibidad katulad ng pagligo sa dagat sa lahat ng mga coastal areas sa Aklan dahil sa social distancing protocol.

Ayon kay Miraflores kaunting tiis na Lang umano hanggang sa makalabas na sa GCQ ang probinsya at wala ng local transmission o mag positibo sa COVID 19 simula ngayon hanggang Mayo 15.