Aklan News
Aklan, ikalawa sa may pinakamataas na kaso ng dengue sa Western Visayas
Pumapangalawa ang Aklan sa may pinakamaraming kaso ng dengue sa Western Visayas.
Batay sa pinakabagong update ng DOH Western Visayas CHD – Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU), mayroon nang mahigit 3,283 kaso ng dengue sa rehiyon simula January 1 hanggang June 1, 2024.
Tumaas ng 21% ang mga dengue cases na naitala kung ikukumpara sa 2,716 na mga kaso sa parehong period nitong nakaraang taon.
Nangunguna ang Iloilo sa may pinakamaraming kaso na may 1,049 , Aklan na may 518, Negros Occidental na may 477, Capiz na may 437, Antique na may 251, Iloilo City na may 223, Guimaras na may 176, at Bacolod City na may 152.
Nasa walo naman ang mga naitalang namatay dulot ng sakit simula January 1 hanggang June 1, 2024, tatlo rito ang mula sa Iloilo Province, 3 sa Negros Occidental at tig isa naman sa Aklan at Capiz.
Base pa sa DOH WV CHD – (RESU), nakitaan nila ng pagtaas sa attack rate ng dengue ang mga probinsya ng Aklan Antique, Capiz, Iloilo, at Guimaras.
Patuloy naman na palala ng DOH sa publiko na pangalagaan ang sarili laban sa kagat ng lamok at sakaling makaramdam ng mga sintomas nito ay agad na komunsulta sa doktor. MAS