Aklan News
AKLAN, ILALAGAY NA SA ALERT LEVEL 1 – KATUMBAS NG “NEW NORMAL” SIMULA BUKAS
Ilalagay na sa pinakamababang Alert Level 1 o katumbas ng New normal ang classification sa lalawigan ng Aklan simula unang araw ng Marso hanggang a-kinse.
Kabilang din sa mga lugar sa Western Visayas na nasa Alert Level 1 ang Bacolod City, Capiz at Guimaras.
Kasunod nto, inaprubahan ng Inter-Agency Task Force ang bagong alert level system classification batay sa anunsyo ng Malacanang kahapon.
Ilan sa mga protocols na kailangang ipatupad sa ilalim ng Alert Level 1 batay sa inamyendahang guidelines sa nationwide implementation ng Alert Level System for COVID-response ay:
Lahat ng pribadong opisina, kabilang na ang public at private construction sites, ay maaaring mag- operate ng full capacity, consistent sa national issuances pagdating sa vaccination requirements para sa mga on-site work.
Ang mga agencies at instrumentalities ng pamahalaan naman ay kailangan na sumunod sa 100% on-site workforce.
Samantala, ang public transportation sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1 ay kailangan na nasa “full seating capacity.”
Pagdating naman sa contact tracing, ang paggamit ng health declaration forms o paper-based contact tracing ay hindi dapat na irequire sa lahat ng agencies at establishments sa ilalim ng Alert Level 1.