Aklan News
AKLAN, ISASAILALIM SA ALERT LEVEL 2 SIMULA NOVEMBER 1-14, 2021 BATAY SA IATF RESOLUTION NO. 146-A


Napabilang ang Aklan sa mga lugar na isasailalim sa Alert Level 2 sa darating na Nobyembre 1 hanggang Nopbyembre 14, 2021.
Inanunsyo ni Malacañang spokesperson Harry Roque na aprubado na ng inter-agency task force on COVID-19 ang mas pinalawak na pilot #COVID19 alert system sa ibang mga lugar sa bansa, ngayong Biyernes, Oktubre 29.
Batay sa IATF Resolution No. 146-A, mananatili ang National Capital Region (NCR) sa Alert Level 3 kasama ang Cordillera Region, Cavite, Rizal, Laguna, Iloilo City, Siquijor, Lanao Del Norte, Davao City, at Davao Del Norte.
Nasa Alert Level 2 naman ang Aklan kabilang ang Angeles City, Bulacan, Nueva Ecija, Olongapo City, Pampanga, Tarlac, Batangas, Quezon Province, Lucena City, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo, Noegros Occidental, Bohol, Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Cebu Province, Bukidnon, Cagayan de Oro City, Camiguin, iligan City, Misamis Oriental, Misamis Occidental, Davao de Oro, Davao del Sur at Davao Oriental.
Binubuo naman ng Aurora, Bacolod City, Negros Oriental at Davao Occidental ang mga lugar na nasa alert level 4.
Batay sa panuntunan ng IATF, ang mga negosyo na pinapayagang magbukas ay may maximum na hanggang 50% capacity kung indoor at 70% naman kung outdoor basta fully vaccinated ang mga empleyado kontra COVID-19.
Papayagan na ang mga taong makalabas sa alert level 2 maliban sa mga may restrictions sa edad at comorbidities na maaaring i-determina ng mga LGU. Hindi rin dapat na mas maging mahigpit ang mga panuntunan sa Alert Level 4.
Pwede na rin ang individual outdoor exercise sa Alert Level 2, anuman ang edad, comorbidities o vaccination status ng isang tao.
Mananatili naman ang operasyon ng mga ahensya ng gobyerno na may 50% on-site working capacity at work-from-home arrangements.
Sinabi naman ni Roque na ang mga lugar na hindi pa kasama sa Alert Level System ay isinailalim muna sa mga risk classifications na MECQ, GCQ with heightened restrictions, GCQ at MGCQ.