Connect with us

Aklan News

Aklan isinailalim sa state of calamity dahil sa bagyong Paeng

Published

on

PHOTO COURTESY: Warang kita Tats

Isinailalim na ang Aklan sa State of Calamity dahil sa matinding pinsalang dinulot ng paghagupit ng bagyong Paeng.

Biyernes nang ipasa ng Sangguniang Panlalawigan ang resolusyon na nagdedeklara ng state of calamity sa lalawigan sa pamamagitan ng isang special session.

Batay sa Aklan Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (APDRRMC), maraming bayan ang apektado ng baha kabilang ang mga bayan ng Kalibo, Balete, Numancia, Libacao, Altavas at Madalag na dinadaanan ng Aklan river.

Maraming kabahayan ang nawasak at gayundin ang mga pananim.

Naitala rin ang mga pagguho ng lupa dahil sa malakas na buhos at walang tigil na ulan na dulot ng bagyong Paeng.