Connect with us

Aklan News

Aklan, kasama sa 3 probinsya na pinuri sa husay sa pagtugon sa COVID crisis

Published

on

PINURI ni dating Health Secretary Manuel Dayrit ang pamumuno sa probinsiya ng Aklan, Agusan del Sur at Bataan dahil sa kanilang husay at epektibong pamamaraan nang pagpapagaan sa kaso ng COVID-19.

 

Ani Dayrit, nagpakita ang mga gobernador ng nabanggit na probinsiya ng “unifying leadership” at “inclusive governance” sa pagtugon krisis.

 

Sa ginanap na online forum na “Provincial Initiatives to Mitigate COVID-19 Risks,” inilatag ng tatlong gobernador ang mga problemang ikinaharap nila dahil sa pandemic pati na ang mga hakbang na kanilang ginawa para malabanan ito.

 

Ang Aklan na isa sa mga lugar sa bansa na may direktang flights mula sa Wuhan, China ay mabilis na itinigil ang mga flights at bumuo ng Barangay Health Emergency Response Teams (BHERT) na responsable sa pagtunton ng mga taong mula sa ibang lugar.

 

May 11 positibong kaso na naitala sa Aklan at 10 na sa kanila ang nakarokober.

 

Binukasan na rin ang isla ng Boracay para sa mga turista mula sa Western Visayas at mahigpit na sinusunod ang mga health at safety protocols.

 

Sa Agusan del Sur naman, naglagak ng P514 million para sa mga frontliners at social amelioration support programs si Gov. Santiago Cane Jr..

 

Hindi lang ang mga taga Agusan ang nakatanggap ng financial assistance kundi pati ang mga estudyante at OFWs na nastranded sa ibang lugar sa bansa.

 

Nanatiling COVID-free ang Agusan del Sur hanggang sa isinailalim ito sa general community quarantine kung nakapasok ang mga returnees na nagdala ng 16 na COVID-19.

 

Bataan naman ang pinakamalapit sa Metro Manila kaya ito ang may pinakamaraming kaso sa tatlong probinsiya. May 55 health workers sa Bataan General Hospital and Medical Center (BGHMC) ang dinpuan ng COVID-19 nitong April.

 

Mabilis naman na gumawa ng aksyon si Governor Albert Garcia na nagpatayo kaagad ng mga isolation facilities.

 

Ang BGHMC at Mariveles District Hospital sa Bataan ay naging exclusive para sa mga pasyente ng COVID, habang ang BGHMC Annex sa lumang building ay itinalaga para sa  mga non-COVID cases. May testing facility rin sila na kayang magsagawa ng 300 test sa isang araw at magbubukas pa ng isang pasilidad sa Mariveles.

 

Mula sa inaasahang 500-2,000 cases sa June, nakapagtala lamang ng 185 cases ang Bataan hanggang sa katapusan ng Hunyo.

Via:https://manilastandard.net/lgu/ncr/327926/better-virus-outcomes-in-3-provinces.html