Connect with us

Aklan News

Aklan maaring ilagay sa ilalim ng ECQ kung patuloy ang pag-taas ng kaso ng COVID-19 – Gov. Miraflores

Published

on

Aklan - Maaring ilagay sa ECQ

Ayon kay Gov. Miraflores, kapag patuloy ang pag-taas ng mga kaso ng COVID-19 sa Aklan, makiki-usap siya sa national government na ilagay sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) ang probinsya.

Pahayag ni Governor Florencio Miraflores na nag-karoon ng pag-taas ng mga kaso at namamatay sa COVID-19 simula noong Mayo lamang. Nakakaramdam siya ng takot na maaring nakapasok na sa probinsya ang mas nakakahawang Delta variant.

“Sobrang taas na [ng cases]. ‘Yung aming tinatawag na average daily attack rate (ADAR) ay tumataas na. Ang aming positivity rate is 40 to 50 percent. So masyadong mataas. Starting May lang ito. Nagsurge kami dito ng May, June, July,” sinabi niya sa ABS-CBN’s Teleradyo.

Ang ADAR ay tumutukoy sa bilang ng mga bagong kaso sa isang lugar sa loob ng dalawang linggo, divided the population.

Habang ang positivity rate naman ay ang percentage ng mga tao na nag-test positive sa lahat ng mga indibidwal na sumailalim sa testing.

“Kung tumuloy pa itong pagtaas ng mga kaso, hihingi din ako ng higher classification ng ECQ kasi kailangan talaga namin ngayon ng tulong ng ating national government,” dagdag ni Miraflores.

Ang Aklan ay mula GCQ with heightened restrictions, ngayon nasa ilalim na sa modified enhanced community quarantine (MECQ) hanggang Agosto 15. Nilagay sa MECQ ang probinsya dahil sa patuloy na pag-taas ng mga kaso ng COVID-19.

Wala pang kumpirmadong kaso ng Delta variant sa probinsya, subalit ayon sa governor:

“But ‘yung unang Delta variant na lumabas dito sa Panay, part ng Antique, ay boundary namin dito sa Aklan. We are just waiting for results of genome sequencing ng mga pinadala namin sa Manila if there is already a Delta variant dito,” aniya.

“Ang aming hinala ay baka nakapasok na dito ang Delta variant,” dagdag niya.

Batay kay Miraflores tumataas rin ang mga namamatay sa COVID-19 sa Aklan. Simula Marso 2020, hanggang Abril 2021, may kabuuang 47 ang namatay sa probinsya, kung saan biglang tumaas at umabot na sa 184 ang kabuuan sa loob lamang ng tatlong buwan.

Kamakailan, nag-advised ang governor sa mga mayors ng probinsya na maghanda ng mga burial grounds sa kani-kanilang municipalities para sa mga residenteng namatay mula sa COVID-19 sapagkat, ang nag-iisang crematory sa Panay Island ay “overwhelmed” na.


Related article: PUBLIKO WALANG DAPAT IKABAHALA SA PAGLIBING NG MGA NAMAMATAY SA COVID-19 – AKLAN PHO


Source: Inquirer.Net