Aklan News
AKLAN, mag-aapela na ipanatili ang quarantine classification sa GCQ
MAGPAPADALA ng sulat ngayong umaga sa National Inter-Agency Task Force ang probinsya ng Aklan upang i-apela na ipanatili sa General Community Quarantine (GCQ) ang probinsya.
Kinumpirma ito ni Aklan PHO head Dr. Cornelio Cuachon na nagsisilbing spokesperson ng Provincial IATF sa ekslusibong panayam ng Radyo Todo.
Ito ay matapos na i-proposed ng NIATF na isailalim sa Modified Enhanced Community Qurantine (MECQ) ang Aklan simula July 16-31, 2021.
Ayon kay Dr. Cuachon na ang nasabing apelasyon ay iba-base nila sa Average Daily Attack Rate o ADAR sa probinsya kung saan mas mababa ang naitala na ADAR noong nakaraang June 15-28 at June 29-July 12 na may 12.8% kumpara nitong 1-2 weeks ng July na nasa 9.59%.
MATAAS NA POSITIVITY RATE KAHAPON
Maraming factors ayon kay Dr. Cuachon ang naging dahilan kung bakit nakatala ng highest score ng CoViD-19 cases kahapon ang probinsya ng Aklan na umabot sa 150 sa isang araw lamang.
Isa na umano dito ang pag mutate ng virus kung saan naobserbahan ang maraming nahahawaan na tao, mass gatherings kapareho ng birthdays, kasal, binyag at lamay, at ang iba ‘unknown’ ang exposure sa virus.
Inaantay pa umano nila ang report mula sa Genome Center ukol sa resulta ng mga specimen na kanilang pinadala para malaman ang klase ng virus na umaatake sa Aklan. Ngunit nilinaw nito na mula ng magsimula ang pandemya, walang ibang variant ng virus ang na detect sa Aklan maliban CoViD-19 o Wuhan variant.
PAALALA SA POSIBILIDAD NA ISAILALIM ANG AKLAN SA MECQ
Paalala ni Dr. Cuachon na dapat istriktuhan talaga ang pag monitor sa minimum public health standards lalo na sa mga ‘high risk’ areas.
Clustering sa mga lugar na may mataas na kaso ng CoViD-19 sa loob ng dalawang linggo, pag isolate agad-agad sa mga symptomatic individual para hindi na makahawa sa myembro ng pamilya ay iba pa at ang active surveillance ng mga Rural Health Units (RHU) LGUs, BHERTs at baranggay.
Dapat umano na pumunta sa komunidad ang mga ito para personal na ma assess ang nga tao na takot pumunta sa mga health centers na may mga CoViD-19 like-symptoms para mag report.
Umapela din si Cuachon sa publiko na makipagtulungan sa mga health authorities sa pamamagitan ng pagreport sa mga symptomatic individuals para ma assess at ma-assist.
Samantala, ipinahayag ni Cuachon na sa kabila na tumataas na rin ang interes ng mga tao na magpabakuna kontra CoViD-19, hindi rin makasapat ang suplay ng bakuna sa probinsya dahil umaasa lamang din umano ang Pilipinas sa mga donasyon mula sa ibang bansa. Kahit ang mga order umano na bakuna ng mga LGUs ay wala pang dumarating dahil sa kakulangan ng suplay nito.
Sa kabila nito, sisikapin ng Aklan PHO na mabakunahan ang at least 50% ng mamayan sa probinsya ng Aklan kahit na mas mababa ito sa target na 70% para makuha ang herd immunity.
Maalala na naun ng ipinahayag ni Gov. Florencio Miraflores na posibleng isailalim sa MECQ ang probinsya kapag patuloy na tumaas ang CoViD-19 sa Aklan.