Connect with us

Aklan News

AKLAN, MAHIGPIT NA MINOMONITOR NG NIATF DAHIL SA COVID SURGE

Published

on

Mahigpit na mino-monitor ng National Inter-Agency Task Force (NIATF) ang lalawigan ng Aklan dahil sa indikasyon ng patuloy na pagtaas ng COVID-19 infections.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Cabinet Sec. at NIATF Co-Chair Karlo Nograles, pinahayag niya nababahala sila sa mga naririnig na feedback tungkol sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa Aklan.

Hinihintay rin nila ang magiging resulta ng genome sequencing dahil sa duda ni Aklan Governor Florencio Miraflores na may Delta variant na sa Aklan at ito ang dahilan ng mabilis na pagkalat ng virus sa probinsya.

Magkakaroon ng pagpupulong mamayang hapon ang NIATF para silipin kung mayroong pagbabagong dapat gawin pagdating sa quarantine classifications sa buong bansa.

Sinabi rin ni Nograles na madadagdagan ang alokasyon ng bakuna sa Aklan dahil nakataas na ito sa MECQ status.

Ayon raw kasi kay Pangulong Rodrigo Duterte ay kailangan na dagdagan ang alokasyon ng bakuna sa mga lugar na may matataas na kaso ng COVID-19.