Aklan News
AKLAN, MAY 146 ACTIVE CASES NG COVID-19
Umakyat na sa 862 ang mga nailistang COVID-19 cases sa Aklan pero nasa 146 lang ang active cases.
Kahapon sa inilabas na datos ng Aklan Provincial Health Office (PHO), 13 ang mga panibagong kaso na naidagdag.
Sa nasabing bilang, tatlo ang mula sa Altavas, 2 sa Banga, 4 sa Numancia, at tig 2 naman sa mga bayan ng Kalibo at Tangalan.
Samantala, may 11 mga bagong gumaling sa sakit kahapon kaya’t umakyat sa 689 ang total recoveries habang ang bilang ng mga namatay ay umabot na sa 28.
Continue Reading