Aklan News
Aklan may 215 bagong kaso ng dengue


NAKAPAGTALA ng 215 na bagong kaso ng dengue ang lalawigan ng Aklan.
Ito ay batay sa dengue bulletin ng Provincial Health Office (PHO) Aklan simula August 25 hanggang August 31, 2024.
May pinakamaraming kaso ng dengue ang bayan ng Malay na may 392; pangalawa ang Kalibo na may 315 cases; sinundan ito ng bayan ng Nabas (145); Libacao (138) at Numancia (134).
Mula naman sa 17 bayan, 16 na ang may clustering ng dengue cases.
Dahil dito, sumampa na sa 2,036 ang kabuuang kaso ng dengue sa Aklan.
Samantala, simula Enero 1, apat naman ang naitalang namatay dahil sa nasabing sakit./SMV
Continue Reading