Connect with us

Aklan News

Aklan may 6 billion pesos na budget para sa 2023 mula sa national government

Published

on

Masayang ibinalita ng dalawang kongresista ng Aklan na nakakuha sila ng mahigit tig P3 billion pesos na budget bawat distrito sa katatapos lang na pagtalakay ng House of Representatives sa 2023 General Appropriations Bill.

Tiwala si Aklan 2nd District Representative Teodorico Haresco na sapat at walang problema sa pondo ang Aklan para sa 2023.

Sinabi ni Haresco sa panayam ng Radyo Todo na maraming proyekto ang nakaabang sa ikalawang distrito sa susunod na taon at may pondo na ang mga ito, “Maabo-abo ang projects naton sa 2023, wala man ta problema sa pondo.”

“Wala problema kay ang mga gastos last year, because of COVID, hay may una nga nabilin nga mga kwarta and our economy is getting stronger so wala gid problema sa kwarta,” dagdag pa niya.

Kaugnay nito, kinumpirma rin ni Aklan 1st District Representative Carlito Marquez na hindi bababa sa tig P3 billion budget ang nakalaan para sa bawat distrito ng Aklan.

Ito ay para sa mga infrastructure projects na ipapatupad ng Department of Public Works and Highways para sa road widenings, slope and landslide protections, access roads and bridges, flood mitigations, government buildings at iba pa.

Ang bawat kongresista ay mayroon ding tig 100 million pesos na budget para naman sa kanilang soft projects kagaya ng medical and funeral assistance, scholarships at mga ayuda sa mga biktima ng kalamidad.