Aklan News
AKLAN, MAY 960 ACTIVE CASES NA NG COVID-19, 68 NEW CASES, NADAGDAG SA PROBINSYA NGAYONG ARAW
Umakyat na sa 960 ang aktibong kaso ng CoViD-19 sa Aklan ngayong araw.
Base sa ipinalabas na data ng Aklan Epedimiology and Surveillance Unit (PESU) ngayong gabi, nadagdagan ng 68 new cases ng CoViD-19 ang probinsya kung saan nagdala ito sa 3,976 kumpirmadong kaso na ng CoViD-19.
Patuloy namang dumadami ang mga gumagaling kung saan nakapagtala ng 50 new recoveries ngayong araw, habang 2 naman ang namatay na may 95 total deaths na ngayon ang probinsya.
Ang mga panibagong kaso ay nagmula sa Kalibo-18, Numancia-11, Ibajay-10, Tangalan-10, Nabas-9, Banga-6, Makato-2, Lezo-1 at Libacao-1.
Sa 960 active cases, 823 dito ang naka facility quarantine, 71 ang naka home quarantine at 66 ang admitted.
Continue Reading