Aklan News
Aklan, may sapat na suplay ng bigas sa oras ng kalamidad – NFA
Tiniyak ng National Food Authority (NFA) Capiz-Aklan Branch na sapat ang suplay ng bigas sa lalawigan para matustusan ang pangangailangan sa oras ng kalamidad.
Ayon kay Acting Asst. Manager ng NFA Capiz-Aklan na si Andy Ostan, maswerte ang Aklan dahil ang gobyerno probinsyal ay may sariling bodega ng bigas.
Sinabi rin nito na ang kanilang stocks ay sapat hanggang sa muling magsimula ang harvest season ngayong katapusan ng Setyembre o Oktubre.
Nilinaw din nito na wala na ngayong partisipasyon sa merkado ang NFA mula nang maaprubahan ang Rice Tariffication Law (RTL).
Sa ilalim kasi ng RTL, ang tanging mandato lang NFA ay siguraduhing sapat ang supply ng bigas sa bansa.
“Wala na gid kami it participation sa aton nga merkado, so makara pag abot it emergencies and calamities, si NFA hay nagabaligya na lang man sa aton nga mga LGU nga magbakae sa amon it bugas, the same with DSWD, OCD, ruyon ro amon nga mga outlet kara,” pahayag nito sa panayam ng Radyo Todo.
Ang NFA ang ahensyang nagbabantay at nangangasiwa sa importasyon ng mga bigas sa bansa bago paman pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang RTL noong 2019./MAS