Connect with us

Aklan News

Aklan, muling nakapagtala ng lampas 100 na panibagong kaso ng COVID-19

Published

on

Larawan mula sa FB page ng Aklan Provincial Epidemiology and Surveillance Unit

Umabot sa 125 ang nag-positibo sa COVID-19 ngayong Hulyo 17, 2021, sa lalawigan ng Aklan, batay sa pinakahuling health bulletin ng Aklan Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU).

Sa inilabas ding ulat ng Aklan PESU, lima ang naitalang nasawi dahil sa COVID-19.

Nanatiling nangunguna ang bayan ng Kalibo sa may pinakamaraming nag-positibo na umabot ng 34. Sinusundan ito ng Ibajay na may naitalang 33, at Numancia na may 13.

Nasa ibaba ang bilang ng mga bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bawat bayan:

Balete: 6
Banga: 5
Batan: 4
Buruanga: 6
Ibajay: 33
Kalibo: 34
Libacao: 1
Madalag: 6
Makato: 2
Malay: 1
Nabas: 8
New Washington: 5
Numancia: 13
Tangalan: 1

Patuloy pa ring pinag-iingat ang lahat, at pinapayuhang sundin ang mga health protocols kontra COVID-19

Continue Reading