Connect with us

Aklan News

AKLAN NAGPATUPAD NG BAN SA MGA PRODUKTONG KARNE MULA MINDANAO

Published

on

Kalibo, Aklan – IPINAGBAWAL muna sa Aklan ang pagpasok ng mga produktong karne mula sa Mindanao upang protektahan ang swine industry ng probinsya.

Epektibo ang pre-emptive banning mula Pebrero 3, 2020 sa pamamagitan ng Memorandum Order No. 031 na inilabas ng opisina ni Governor Florencio Miraflores.

Naitala ang kauna-unahang kaso ng African Swine Fever sa Mindanao partikular sa Davao Occidental kung saan napatay ang nasa 1,000 na baboy na nagpositibo sa ASF.

Nananatiling ASF free ang buong Visayas sa ngayon, gayunpaman mahigpit ngayon ang pagbabantay sa mga paliparan at pantalan upang walang makalusot na karne ng baboy na maaring nagtataglay ng nabanggit na sakit.

Umapela rin ng suporta sa publiko ang Office of the Provincial Veterinarian (OPVET) na huwag magdala ng mga produktong sakop ng ban.