Aklan News
AKLAN NANANATILING INSURGENCY FREE SA KABILA NG NAGING ENGKWENTRO NG NPA AT MILITAR SA BAYAN NG LIBACAO
Nananatiling insurgency-free parin ang lalawigan ng Aklan sa kabila ng may namataan at nangyaring engkwentro ng New People’s Army o NPA at tropa ng military.
Sa panayam ng Radyo Todo kay P/Major Willian Aguirre ng ng Aklan Police Provincial Office – Provincial Intelligence Unit (APPO-PIB) na ang naganap na engkwentro nitong Abril a-1 sa So. Maytaraw, Brgy. Dalagsaan, Libacao. ay hindi nangangahulugan na hindi na insurgency-free status ang lalawigan.
Aniya, wala itong direktang impact sa insurgency ng lalawigan dahil sa nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang Community Support Program (CSP) ng pamahalaan sa nabanggit na lugar.
Dagdag pa nito na hindi rin aniya maiiwasan ang ganitong sitwasyon lalo na sa mga lugar gaya ng So. Maytaraw kung saan malapit ito Tri-Border Area ng Iloilo, Aklan at Capiz.
Maliban pa dito, malapit din ito sa Western portion ng Antique kung saan ang Madyaas Ranges na napakalawak.
Samantala, kinumpirma rin ni Aguirre na ang miyembro ng NPA na namatay matapsos manlaban sa military ay kasamahan ni Alyas Ka Tunying na madalas dumaan at mag-operate sa Tri-Border Area ng Iloilo, Aklan at Capiz.
Sa ngayon ay nanawagan ang opisyal sa mga rebeldeng grupo na kung maaari ay sumuko ng maayos dahil handa umano ang pamahalaan sa kanilang pagbabalik loob.