Aklan News
Aklan, nanguna sa region 6 na may pinakamaraming naitalang bagong kaso ng CoViD-19 sa loob ng isang araw
150 ang panibagong kaso ng CoViD-19 ang nadagdag sa probinsya ng Aklan ngayong araw at nanguna sa may pinakamaraming kaso sa buong rehiyon 6.
Sinusundan ito ng Iloilo City-102, Negros Occidental-66, Iloilo Province-51, Bacolod City-41, Antique-39, Capiz-37, at Guimaras-19.
Ito na ang pinakamataas na kaso na naitala ng probinsya sa loob ng isang araw lamang mula ng magsimula ang pandemya noong isang taon.
Base sa inilabas na data ng Aklan PESU, 54.5% o katumbas ng 150 ang nagpositibo sa sakit sa 277 na samples na isinailalim sa tests, habang 127 naman ang may negative results.
Dahil dito, pumalo na sa 5,543 ang confirmed cases sa Aklan kung 911 na dito ang active cases.
87 naman ang mga gumaling ngayong araw na humatak naman sa 4,509 total recoveries habang 2 ang namatay na may 123 death toll ang probinsya.
Nagmula ang mga bagong kaso sa mga bayan ng Altavas-2, Balete-2, Buruanga-37, Ibajay-2, Kalibo-48, Makato-10, Malay-7, Malinao-1, Nabas-24, New Washington-16 at Numancia-1.
As of July 12, ito na ang status ng CoViD-19 cases sa bawat munisipalidad:
Kalibo – 1,429
Malay – 714
Nabas – 459
New Washington – 393
Ibajay – 389
Banga – 384
Numancia – 345
Makato – 254
Lezo – 170
Tangalan – 165
Altavas – 150
Balete – 142
Buruanga – 140
Batan – 131
Malinao – 126
Libacao – 87
Madalag – 55