Aklan News
AKLAN, NASA ALERT LEVEL 3
Napabilang ang Aklan sa Orange Level o Alert Level 3 ng COVID-19 Alert System ng Department of Health (DOH).
Ayon sa tagapagsalita ng Aklan Provincial Health Office na si Dr. Cornelio Cuachon, ibig sabihin ito ay marami pa rin ang kaso ng COVID-19 sa probinsya.
Nananatili pa rin na mataas ang health care utilization rate dahil punuan pa rin ang mga ICU at COVID-19 wards ng ospital.
Bukod dito, nasa high risk pa rin ang reclassification ng Aklan kaya napabilang ito sa Alert level 3 kahit na wala pa naming kumpirmadong kaso ng Delta variant sa lalawigan.
Sinabi rin ni Cuachon na rejected ang mga swab sample na ipinadala ng Aklan noong Miyerkoles (July 28) para isailalim sa genome sequencing dahil may mga procedures na hindi nasunod ayon sa DOH.
Maaari aniyang ito ang dahilan kung bakit sa kabila ng mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan ay wala pa ring naitatalang kaso ng Delta variant.