Aklan News
AKLAN PESU, NAKARECORD NG 92 NEW CASES NG COVID-19, 41 NEW RECOVERIES AT 5 NEW DEATHS
Sumampa na sa 900 ang aktibong kaso ng CoViD-19 sa probinsya ng Aklan matapos madagdagan ng 92 panibagong kaso ngayong araw.
Sa ipinalabas na case bulletin ng Aklan Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) nasa 3, 827 na ang kumpirmadong kaso ng CoViD-19 sa Aklan, 2,836 dito ang mga gumaling na at 91 na ang namatay matapos madagdagan ng 5 ngayong araw.
Ang mga bagong kaso ay nagmula sa mga bayan ng New Washington-17, Malay-16, Balete-14, Makato-13, Banga-8, Nabas-5, Kalibo-4, Malinao-4, Altavas-3, Batan-3, Numancia, 3, at tig-1 ang Ibajay at Tangalan.
Sa 900 active cases, 768 ang nasa facility quarantine, 71 ang naka-home quarantine at 61 ang admitted.
Continue Reading