Aklan News
Aklan PHO, wala pang nakumpletong nabakunahan sa mga nasa priority list


Wala pang naka 100% sa anumang kategorya sa target ng Aklan Provincial Health Office para sa 1st dose ng vaccination.
Base kasi sa kanilang ipinalabas na data, 82% o katumbas ng 11,235 pa lamang ang nabakunahan sa 1st dose sa A1 (frontline health workers) category habang 8,476 o 62% ang fully vaccinated. Ibig sabihin may natitira pang 2, 475 sa target nilang 13,710 para 1st dose ang hindi pa nabakunahan.
Sa A2 category (senior citizens) naman 15, 534 na ang nabakunahan sa 1st dose o 26% sa target nitong 60,201 na mga senior citizen, habang 2,248 o 4% pa lamang ang fully vaccinated. 44, 667 pa na mga senior citizens ang wala pang bakuna.
Nasa 13% pa lamang din o katumbas ng 3,028 ang nabakunahan ng 1st dose sa A3 category (with co-morbidity) kung saan nasa 20, 496 pa hindi nabakunahan sa target nitong 23, 524.
Samantala, nakatakda naman sa July 7 ang 1st batch ng 2nd dose para sa mga may co-morbidity.
Patuloy pa rin ang panawagan ng Aklan PHO na magpabakuna ng CoViD-19 vaccine para may proteksyon na hindi lumala ang sakit sa oras na tamaan ng virus.