Connect with us

Aklan News

AKLAN PINASOK NA NG DELTA VARIANT, 21 CASES NAITALA

Published

on

Tuluyan nang nakapasok sa lalawigan ng Aklan ang Delta variant o Indian variant ng Sars-CoV-2.

Sa opisyal na pahayag ng Aklan Provincial Health Office (PHO) ngayong August 23, 2021, may kabuuang 21 Delta variant ng COVID-19 ang mayroon sa Aklan base sa resulta ng Genome Sequencing na inilabas ng University of The Philippines-Philippine Genome Center.

Narito ang mga bayan sa Aklan na may Delta variant.
Kalibo – 5
Numancia -3
Banga – 2
Ibajay -2
New Washington -2
Malinao -2
Madalag – 2
Nabas – 1
Tangalan -1
Makato -1

Nakipag-ugnayan na ang Aklan PHO sa sa mga Local Government Units na nakapagtala ng delta variant.

Ayon sa inisyal na datos, 20 sa mga kaso ng Delta variant ay gumaling na at isa naman ang nasawi.

Nagpaalala naman ang PHO sa publiko na manatiling kalmado at hinikayat ang lahat na magpabakuna para magkaroon ng proteksyon laban sa COVID-19 virus.

BASAHIN: