Aklan News
Aklan PNP handa na para sa gaganaping 3rd ASEAN Digital Ministers Meeting sa isla ng Boracay
Handa na ang Aklan Police Provincial Office (APPO) para sa ilalatag na seguridad sa gaganaping 3rd ASEAN Digital Ministers Meeting sa isla ng Boracay.
Ito ang ipinasiguro ni Police Captain Aubrey Ayon, Public Information Officer ng Aklan PPO sa panayam ng Radyo Todo.
Aniya, nagpapatuloy pa ang kanilang mga meeting may kaugnayan sa nasabing okasyon pero pagpapasiguro ni Ayon na laging handa naman ang mga kapulisan sa Aklan.
“Mahambae naton ag matao naton nga assurance nga ro kapulisan naton sa probinsiya it Aklan especially do kapulisan naton sa Malay MPS hay haum eon para sa aton ngara nga paaeabuton nga ASEAN Meeting,” ani PCapt. Ayon.
Nakatakda ang naturang event sa darating na Pebrero 6 hanggang 10, 2023 na pangungunahan ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Inaasahan na dadaluhan ito ng mahigit sa 150 na mga delegado na mga ASEAN members mula sa mga bansang Laos, Malaysia, Myanmar, Brunei, Cambodia, Indonesia, Philippines, Singapore, Vietnam at Thailand.
Samantala, layunin ng nasabing meeting na palakasin ang digital skills at digital transformation ng mga ASEAN Member States sa nasabanggit na mga lugar.