Aklan News
Aklan PNP, naghahanda na para sa BSKE 2023
Nagpapatuloy ang ginagawang paghahanda ng Aklan Police Provincial Office (APPO) sa nalalapit na sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections.
Ito ang inihayag ni PCol. Victorino Romanillos Jr., Acting Provincial Director ng Aklan PPO sa mga media kasabay ng isinagawang blessing and turn-over ng mga ordnance items ngayong Lunes sa Camp Pastor Martelino, New Buswang Kalibo.
Ayon kay Romanillos, nagpapatuloy ang kanilang mga isinasagang meeting kasama ang Provincial Comelec, Armed Forces of the Philippines (AFP) Philippine Coast Guard (PCG) at iba pang law enforcement agencies.
“Continuing po ‘yung preparation natin, hindi lang po kami kundi lalo na yung Comelec,” ani PCol. Romanillos.
“May mga series of meetings na po kami with the Provincial Comelec and the Armed Forces of the Philippines and the Philippine Coast Guard,” dagdag pa nito.
Samantala, nanawagan naman si PCol. Romanillos sa publiko ng kooperasyon upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa Aklan.
Tulong-tulong po tayo. Protektahan po natin ang Aklan na hindi gugulo. Andito po ang kapulisan niyo sa Aklan, sa inyong mga respective na munispyo…magtulungan po tayo. Tulungan niyo ang kapulisan niyo para mapabuti pa po ang pagserbisyo namin,” wika ni Romanillos.