Connect with us

Aklan News

AKLAN, POSIBLENG IBABA NA SA GENERAL COMMUNITY QUARANTINE

Published

on

UMAASA si Aklan Governor Florencio Miraflores na makakapasa sa General Community Quarantine (GCQ) status ang probinsya na mas mababa sa restrictions ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Sa panayam ng Radyo Todo, sinabi ng gobernador na posibleng hindi updated ang mga impormasyon na hawak ng National Inter Agency Task Force against Covid 19 kung kaya’t hindi agad napasama sa GCQ ang Aklan at kailangan pa ang re-checking.

Inaasahang bago ang April 30 at may mangyayaring re-evaluation ng National IATF sa Aklan at dito na maipapakita ng Aklan Inter Agency Task Force ang pinakahuling status ng Covid 19 cases sa at iba pang paghahandang kanilang ginagawa.

Ang Aklan ang nagkaroon ng 6 cases ngunit 5 na ang nakarekober, walang local transmission at walang namatay sa Covid 19.

Idinagdag pa ni Gov. Miraflores na halos kumpleto na ang lahat ng pasilidad at machineries laban sa Covid 19 maliban na lang sa testing laboratory.

Ayon sa gobernador, nagpapabilli na rin sya ng Real-time Reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) machine na kailangan kung saan ang social hygience clinic sa Aklan Provincial Hospital ay gagawing laboratory.

Naisubmit na rin diumano nila ang mga requirements sa DOH Manila at hinihintay na lang ang evaluation para mapayagan na ang pag operate nito.

Kapag General Community Quarantine, may mga negosyo na pwede na muling buksan, pwede ng makabalik ang public transportation, papayagan na ang ibang tao na makalabas ng bahay at bayan pero dapat pa ring dumaan sa medical protocols. magsuot na facemask at may physical distancing.

Ayon kay Gov. Miraflores, iaadopt na lang nya ang standard guidelines dito ng national IATF kung sakaling magdesisyon ito na gawing General Community Quarantine na lang ang Aklan pagkatapos ng April 30.