Aklan News
Aklan PPO, 100% ‘ready’ na para sa BSKE 2023
Nakahanda na ang Aklan PNP para sa paparating na BSKE 2023 na gaganapin sa Oktubre 23.
Ayon ito sa isinagawang press briefing na pinangunahan ni Provincial Director PCol. Victorino Romanillos Jr. kasama ang representative ng Philippine Army at Philippine Coast Guard na ginanap ngayong umaga sa Aklan Police Provincial Office.
Pormal na ring inilatag ang deployment ng mga kapulisan pati ang mga army at coast guard sa buong probinsya ng Aklan para sa pagpapanatili ng seguridad at kapayapaan sa BSKE 2023.
Ani PCol. Romanillos, patuloy parin ang checkpoints hinggil sa COMELEC gun ban habang ang liquor ban ay sisimulan bukas, Oktubre 29 ng alas-12:01 ng madaling-araw.
Samantala, muli pa nitong paalala sa mga botante na maging responsable at huwag nang magdala ng mga bagay na ipinagbabawal sa araw ng botohan para mas maging payapa ang halalan sa probinsya.