Connect with us

Aklan News

Aklan PPO, ‘all systems go’ na sa “Kapistahan ni San Juan 2022”

Published

on

All systems go na ang Aklan Police Provincial Office (APPO) para sa Kapistahan ni San Juan o Saint John the Baptist Day sa Hunyo a-24.

Sa panayam ng Radyo Todo kay PLt. Col. Norlan Perante, Chief Provincial Operation Management Unit ng APPO sinabi nito na nagbaba na ng deriktiba si Aklan PPO Provincial Director, PCOL Crisaleo R Tolentino na nag-uutos sa lahat ng mga municipal police station nai-activate na ang kanilang “STG San Juan” na magbibigay ng safety services sa publiko.

Dagdag ni Perante, magde-deploy sila ng mga kapulisan sa ilang strategic area sa lalawigan gaya ng mga terminal, malls, simbahan na maaaring dagsain ng mga tao sa naturang araw.

Inaasahan kasing maraming turista, motorista at mga deboto mula sa iba’t-ibang lugar ang tutungo sa lalawigan ng Aklan sa mismong araw ng Kapistahan ni San Juan.

Mahigpit din aniyang magbabantay ang mga kapulisan sa mga beaches, resorts at iba pang lugar na maaaring puntahan ng mga tao.

Maliban dito, mahigpit ding ipapatupad ng PNP ang minimum public health standard protocols lalo na sa mga public gatherings.