Aklan News
AKLAN PPO MULING TINIYAK ANG KAHANDAAN SA MAY 9 ELECTIONS
Tatlong araw bago ang National and Local Elections 2022 (as of writing time) muling tiniyak ng Aklan Police Provincial Office (APPO) ang kahandaan ng mga kapulisan sa lalawigan sa pagtiyak ng seguridad sa darating na Mayo a-nueve.
Sa katunayan ayon kay PSSgt. Jane Vega, tagapagsalita ng Aklan PPO, nasa implementasyon na sila ng kanilang inilatag na security plan para sa halalan.
Saad pa ni Vega na ang kanilang tungkulin bilang mga miyembro ng PNP ay magbigay ng seguridad bago at pagkatapos ng mismong araw ng election.
Nasa kani-kanilang polling centers na din aniya ang ilan sa kanilang mga PNP personnel para sa kanilang deployment.
Inaasahan na din nila ang pagdatingan ng ilang augmentation mula sa Regional Office.
Maliban sa mga kapulisan, magiging katuwang din ng PNP ang iba pang law enforcement agencies sa lalawigan ng Aklan.
Kaugnay nito, umapela ng suporta at kooperasyon ang Aklan PPO sa publiko upang masiguro ang maayos at payapang halalan ngayong taon.