Aklan News
AKLAN PPO NAKIBAHAGI SA SIMULATION EXERCISES PARA POLL SECURITY OPERATIONS SA MAYO 9
Halos dalawang Linggo bago ang 2022 national and local elections, nakibahagi sa isinagawang Simultaneous Logistical Readiness Test and Dispatch Ceremony ng Philippine National Police ang Aklan Police Provincial Office nitong Abril 27, 2022 sa Camp Pastor Martelino, New Buswang, Kalibo.
Ayon kay P/Maj. Willian Aguirre, hepe ng APPO-Provincial Intelligence Branch at company commander sa nasabing SIMEX, layunin nitong masubukan ang functionality of resources at kahandaan ng mga emergency responder sa mismong araw ng halalan.
Kasama din aniya dito ang pagtatag ng Civil Disturbance Management Contingent bilang preparasyon sa election sa Mayo a-9.
Ito ay upang masiguro ang maayos at payapang halalan at mapigilan ang anumang pangyayari na maaaring makasira sa takbo ng election lalo na at ang karamihan sa mga miyembro ng kapulisan ay naka-deploy na sa kani-kanilang mga designated na lugar na babantayan.
Sa nasabing simulation exercises din ipinakita ng bawat police provincial offices at city police officer sa buong rehiyon 6 ang kanilang logistical capability and equipment katulad ng four wheeled vehicles, trucks, ambulance, motorcycles, SWAT Vans, at shoot and communication capabilities.