Connect with us

Aklan News

AKLAN PPO PINAG-IINGAT ANG PUBLIKO KONTRA PALIT-SUKLI MODUS SA LALAWIGAN

Published

on

Nagbigay ng babala sa publiko ang Aklan Police Provincial Office (APPO) kaugnay sa sunod-sunod na serye ng “palit-sukli” modus sa lalawigan ng Aklan.

Ayon kay P/Maj. Willian Aguirre ng APPO-Provincial Intelligence Branch (APPO-PIB) ang mga nabibikta sa nasabing modus ng mga sindikato ay kahera ng mga tindahan, karenderya at iba pang estabsiyemento.

Aniya pa, hindi Aklanon ang nasa likod ng nasabing modus.

Pahayag pa ni Aguirre na batay sa kanilang rekord, may nabiktima na ng naturang klase ng panloloko sa bayan ng Nabas, Ibajay, Kalibo at Banga.

Dagdag pa nito na hindi lang iisa ang gumagawa nito kundi mayroon silang mga kasabwat na kanilang katuwang sa panloloko hanggang sa sila ay makalayo at makatakas.

Saad pa ni P/Maj Aguirre na halos mga professional na ang naturang mga sindikato kung saan malinis nilang nagagawa ang kanilang modus sa pagpapalit ng pera na ibinibigay na sukli sa kanila.

Karaniwan aniyang ginagawa nila ay magbabayad ng isanlibong piso at ihuhulog ang kanilang sukli sabay palit ng pera at sasabihing kulang ang ibinigay na sukli.

Nililito din ng mga ito ang mga kahera kung saan kapag nawala na sa pokus ay saka na nila isaisagawa ang kanilang masamang balak.

Dahil dito ay pina-alalahanan ni Aguirre ang publiko lalo na ang mga establisiyemento na maging mapagmatyag at kaagad na i-report ang ganitong uri ng modus sa mga kapulisan.