Connect with us

Aklan News

Aklan PPO pinag-iingat ang publiko vs magnanakaw

Published

on

Photo: Radyo Todo File

MAHIGPIT ngayon ang paalala ng Aklan Police Provincial Office (APPO) sa publiko na mag-ingat laban sa mga magnanakaw.

Kasunod ito ng dumaraming insidente ng pagnanakaw sa lalawigan.

Dahil dito, nananawagan ang Aklan PNP sa publiko na paigtingin ang kanilang pagbabantay at gumawa ng mga hakbang upang mabantayan ang kani-kanilang mga ari-arian at matiyak ang kanilang kaligtasan.

Binibigyang-diin ng Aklan PPO ang kahalagahan ng pagbabantay at ang pagpapatupad ng mga hakbang sa seguridad upang maiwasan ang pagnanakaw gayundin na maprotektahan ang komunidad.

Upang mas mapaigting pa ang pagbabantay at security measures inirerekomenda ng pulisya ang mga sumusunod:

  1. Siguraduhing naka-lock ang mga pinto at bintana kapag aalis ng bahay;
  2. Maaaring mag-install ng mga security camera at alarm system para sa karagdagang proteksyon;
  3. Maging maingat sa mga hindi kilalang tao at iulat ang mga kahina-hinalang aktibidad sa mga awtoridad;
  4. Itago ang mahahalagang bagay at i-secure ang mga ito sa isang ligtas na lugar;
  5. Makilahok sa mga programa sa community crime watch para maiwasan ang mga insidente ng pagnanakaw;
  6. Iwasang magbahagi ng personal na impormasyon sa social media upang mabawasan ang panganib na ma-target ng mga magnanakaw; at
  7. Manatiling may kaalaman tungkol sa mga insidente ng nakawan at gawin ang mga kinakailangang pag-iingat upang mapangalagaan ang iyong ari-arian.

“Together, let us prioritize security, vigilance, and cooperation to deter theft incidents and promote a safer environment for everyone,” wika ni PCOL Victorino Romanillos Jr., Provincial Director ng Aklan PPO.

“Stay safe, stay vigilant, and let’s work together towards a secured and theft-free community,” pagtatapos nito.