Aklan News
Aklan Province, naglabas ng bagong guidelines para sa mga LSIs
Inamyendahan ni Governor Florencio Miraflores ang kanyang Executive Order No. 036- B na para sa mga uuwing Locally Stranded Individual (LSI).
Batay sa Section 2 ng EO No. 036-B, hindi pa rin hahanapan ng negative RT-PCR test ang mga LSIs kundi Travel Authority, Letter of Acceptance at Medical Clearance Certificate lang.
Pero kailangan na kuhaan sila ng swab test pagdating ng Aklan na sasagutin ng gobyerno. Agad na makakalabas ang mga LSIs na magnenegatibo sa test kahit na hindi pa tapos ang 14-day quarantine.
Makakalabas rin ang mga LSIs na tapos na sa 14-day quarantine kahit pa wala pa ang resulta ng RT-PCR kung sila ay asymptomatic o walang nararamdamang sintoma.
Required ang mga LSIs na sumailalim sa 14-day quarantine sa mga DOH accredited facilities ng bawat LGU. Sinuman ang lalabag nito ay mahaharap sa kaukulang kaso.