Aklan News
Aklan Provincial IATF, nagsagawa ng meeting kaugnay sa patuloy na paglobo ng COVID-19 cases sa probinsya
NAGSAGAWA ng emergency meeting ang Aklan Provincial IATF ngayong araw kaugnay ng tumataas na bilang ng mga COVID-19 cases sa probinsya.
Batay sa Aklan Provincial Health Office (PHO), napag-usapan sa meeting ang posibleng pagpapalabas ng bagong Executive Order (EO) para makontrol ng pagkalat ng virus.
Kinausap din ni Governor Florencio Miraflores ang mga municipal mayors na dagdagan ang mga isolation facilities at ire-align ang mga posibleng pagkukunan ng budget sa COVID-19 response.
Napabilang sa mga critical areas as of June 17 nag mga bayan ng Lezo at Makato.
Samantala, nasa high risk ang Ibajay, Nabas, Numancia at Tangalan.
Kabilang naman sa moderate risk areas ang Altavas, Batan, Buruanga, Kalibo, Malay, Malinao at New Washington.
Ang Balete, Banga, Libacao at Madalag naman at nasa low risk classifications.