Connect with us

Aklan News

AKLAN PROVINCIAL TASK FORCE FOR COVID 19, NAGPALABAS NG GUIDELINES PARA SA MGA REPATRIATED OFWs AT RETURNING AKLANONS

Published

on

Nagpalabas ng guidelines ang Aklan Provincial Task Force for COVID 19 para sa pamamahala ng repatriated Overseas Filipino Workers (OFWs) at mga uuwing Aklanon na na-stranded sa iba’t-ibang probinsya.

Sa kauna-unahang resolusyon o Resolution No. 1 na inilabas noong Mayo 3 ng provincial task force inilatag dito ang alituntunin para sa mga land-based at sea-based OFWs na nananatiling stranded sa Metro Manila at iba pang parte ng bansa ganon din sa mga Aklanon na naabutan ng enhanced community quarantine sa iba’t-ibang probinsya.

Para sa mga repatriated OFWs napagkasunduan ng local IATF na lahat na mga Aklanon OFWs na uuwi ay kailangang isailalim sa RT-PCR o Rapid anti-body test bago umalis sa Metro Manila o saan mang parte ng bansa.

Ang mga may negative result at asymptomatic lamang ang papayagang pumasok o umuwi sa Aklan ganon din ang nakalista lamang sa manipesto o sa listahan ng probinsya at napasailalim sa 14-day quarantine period sa pasilidad na accredited ng DOH at may dokumento na nagpapatunay galing sa ahensya. Pagdating sa puerto, susunduin sila ng sasakyan na kinontrata ng OWWA, OCD at MARINA at aasistihan ng personnel mula sa PHO, PDRRMO at PNP Aklan papunta sa pasilidad kung saan isasagawa ang testing. Lahat ng mga OFWs ay isasailalim sa RT-PCR test.

Pagkatapos ng testing dadalhin ang mga ito kani-kanilang MLGU-Ligtas COVID 19 Center (LCC) para sa 14-day quarantine. Makakalabas lamang sila mula sa LCC kung sila asymptomatic sa loob ng 14-day quarantine at negatibo sa RT-PCR test.

Ang mga magpo-positibo sa virus ay mananatili sa LCC at ililipat naman sa DRSTMH ang may severe symptoms. Sa mga nagpositibo subalit gumaling na ay pre-release sa LCC pero papayuhang mag home quarantine ng dagdag 14 days.

Samantala sa mga uuwi namang Aklanon na nstranded sa ibat-ibang probinsya sa ipinatupad na enhanced community quarantine o ECQ kailangan nila o myembro ng kanilang pamilya na magpa register muna sa designated focal person, personal man o online, pwede ring tumawag o magpadala ng text message o anumang klaseng komunikasyon sa hotline o email address ng kanilang intensyon na makauwi.

Ang team na binuo para sa program a ang siyang magbi-berepika ng kawastuhan ng request ganon din ang kwalipikasyon na maka avail sa programang “Balik Akean Program” (BAP). Isusumite ng team ang mga kwlipikadong aplikante sa task force para sa re-evaluation bago aprobahan ng gobernador. Sasailalim Pa rin Sa 14-day quarantine ang maaprobahang umuwi sa kani-kanilang munisiplidad.

Kailangan din nilang ipresenta ang mga dokumento katulad ng medical certicate mula sa government health facility kung saan sila galing at certificate of acceptance mula sa munisipyo at brgy. Kung saan sila nakatira.

Dagdag alituntunin Pa sa mga uuwing Aklanon ang pagsasailalim sa kanila sa Rapid anti-body test kung magpositibo ang resulta isasailalim siya sa RT-PCR confirmatory test. Sa transportasyon naman, maa-assist lamang sila ng probinsya kung nasa point of entry na sila katilad ng Aklan-Capiz boundary, Aklan-Antique boundary at Caticlan Jetty Port.

I-eskortan naman ang mga returning Aklanons ng personnel ng PNP, PHO at PDRRMO mula sa point of entry papunta sa kani-kanilang munisipalidad o sa pasilidad na pinamamahalaan ng probinsya dahil kinukonsidera sila itong mga PUMs kung asymptomatic at probable o suspected kung may sintomas na kahalintulad sa COVID 19. Iho-hold muna ang pagtanggap sa mga uuwi kung walang bakanteng pasilidad ang probinsya o munisipyo.

Prayoridad naman sa mga papayagang uuwi ay mga estudyante na nag-aaral sa Aklan pero nastranded sa labas ng probinsya, resident’s ng Aklan pero nagpapagamot sa labas ng probinsya, residente ng Aklan na nastranded dahil sa ECQ at GCQ lalo na ang mga buntis, may mga batang kasama o may immuno compromised na myembro ng pamilya.

Samantala sa mga government employees naman na galing sa ibang probinsya ay pinapayagang makapasok subalit kailangan na magpresenta ng medical certificate na nagpapatunay na wala silang sintoma ng COVID 19 at kailangan nilang manatili sa probinsya. Sasailalim din sila sa 14-day quarantine period.

Sa mga government employees naman na magbabyahe palabas ng probinsya para sa official business na may travel order at certificate of appearance ay exempted sa 14-day quarantine sa kanilang pagbalik sa probinsya subalit kailangan nilang i-practice ang estriktong social distancing at pagsunod sa public health standards.