Connect with us

Aklan News

AKLAN PROV’L ASSESSOR’s OFFICE AT EEDD, TEMPORARYONG ISASARA SIMULA NGAYONG ARAW PARA SA DISINFECTION

Published

on

Temporaryong isinara ang tanggapan ng Aklan Provincial Assessor’s office at Economic Enterprise Development Department dahil sa pagpositibo sa COVID-19 ng ilan sa mga empleyado ng mga ito.

Simula ngayong araw, June 7, wala na munang transaksyon na isasagawa sa naturang mga tanggapan.

Ang muling pagbabalik ng kanilang operasyon ay magdedepende sa magiging resulta ng isinasagawang contact tracing sa mga empleyado.