Aklan News
Aklan Prov’l Gov’t naglabas ng EO para paigtingin ang kampanya kontra dengue outbreak
Naglabas ng Executive Order No. 001 ang Aklan Provincial Government upang mas paigtingin pa ang kampanya kontra dengue outbreak sa lalawigan.
Sa ilalim ng nasabing EO inatasan ang lahat ng Government hospitals, Provincial at Municipal health office, Barangay Health Stations at kanilang mga personnel na maging vigilante at ipaabot ang tulong at serbisyo sa lahat ng dengue patients.
Inaatasan rin ang lahat ng Local Government Units (LGUs), paaralan at tanggapan ng pamahalaan na pangunahan ang implementasyon ng mga sumusunod:
- Activation ng Aksyon Barangay Kontra Dengue (ABKD) Task Force batay sa DILG MC No. 2012-16 dated 30 January 2012.
- Magsagawa ng simultaneous clean up drive sa lahat ng barangay araw-araw mula alas-3:00 hanggang alas-5:00 ng hapon o “Libot ko, Limpyo ko” simula Hulyo a-20 hanggang Agosto a-20.
- Recorida strategy upang mas mapalakas ang information, education at communication hinggil sa dengue prevention ag pagkontrol nito.
- Paigtingin at siguraduhin na nasusunod ang implementasyon ng 4s strategy ng DOH dahil ito ang prevention and control strategy laban sa Aedes-borne diseases, particular ang dengue, chikungunya, at Zika viruses;
- Search and Destroy Mosquito breeding places;
- Self-protective measures like wearing of long sleeve and use of insect repellants;
- Seek early consultation on the first signs and symptoms of the disease such as fever for 2 days or more;
- Say yes to Fogging in areas with an impending outbreak.
(3) Maglagay ng hydration units sa mga LGUs at magtalaga ng kaukulang pondo para sa pagbili ng mga medical supplies gaya ng IV sets, fluids, dengue test kits at blood test (CBC, platelet) para sa RHU.
(4) Gayundin na palakasin ang surveillance at response system.
Samantala, sa panayam ng Radyo Todo kay Dr. Cornelio Cuachon Jr. ng PHO-Aklan, ipinaliwanag nito na ang dengue ay isang viral infection na maaaring mailipat sa tao sa pamamagitan ng kagat ng infected na babaeng lamok .
Dagdag pa nito, “usually ro lamok ngara naga-angkit kung adlaw. Ro anang peak biting time is 2 hours after sunrise ag 2 hours before sunset.”