Connect with us

Aklan News

AKLAN PSWDO MAY MGA NAKAHANDANG FOOD PACKS PARA SA MGA POSIBLENG MAAPEKTUHAN NG BAGYONG ODETTE

Published

on

AKLAN PSWDO MAY MGA NAKAHANDANG FOOD PACKS PARA SA MGA POSIBLENG MAAPEKTUHAN NG BAGYONG ODETTE

May nakahandang food packs ang Provincial Social Welfare and Development Office o PSWDO-Aklan sakaling tamaan man ng bagyong Odette ang probinsiya.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Bobby Clyde Orbista, Social Welfare Officer 1 at Focal Person on Disaster na PSWDO-Aklan kahit wala umanong bagyo o sakuna ay may mga nakahandang food packs ang kanilang departamento .

Sa katunayan aniya, sa ilalim ng RA 10121 o Philippine Disaster Reduction and Management Act, kailangan ang bawat probinsiya at munisipyo ay mayroong naka-stock na food packs na hindi bababa sa 500 packs.

Dagdag pa nito na mayroon rin silang mga non-food items na ipamamahagi kung tumama man ang nasabing bagyo.

Sakaling manalasa ang bagyong Odette sa Aklan, ipinasiguro ni Orbista na maliban sa kanilang mga naka-stock na food packs ay mayroon silang Memorandum of Agreement (MOA) sa National Food Authority (NFA) at sa mga grocery stores na maari silang magsagawa ng immediate procurement subalit dapat siguradong nasa ilalim ng state of emergency ang probinsiya.

Ipinasiguro din nito ang kanilang ‘smooth coordination’ sa lahat nga mga local disaster management offices at social welfare development offices para sa mga paghahanda sa posibleng pagtama ng bagyo.

Samantala, mariing pinaalalahanan ni Orbista ang lahat na maging handa, maging vigilante at siguraduhing ligtas ang bawat isa.

Huwag aniyang mag-alinlangan pa kapag nagsagawa ng pre-emptive evacuation ang lokal na pamahalaan lalo na sa mga residenteng nakatira sa danger zone upang maiwasan ang panganib.